What’s my definition of “VIDAH MAY” - A friend behind my imperfections.
♥
Katatapos ko lang magtype in English, pero dahil Fil-Am ka, pahihirapan kita.
Well, ano pa nga bang masasabi ko sa isang kaibigang tulad mo? Maliban sa pagiging Diyosa ko kesa sa’yo? Charot! Okey, hindi ko na pahahabain pa ‘tong drama, gusto ko lang magpasalamat sa pagiging totoong kaibigan mula nong 2006 hanggang ngayon, sa pagiging mapagmahal, pagiging mabait, pagiging malawak ang pang-unawa, sa pagiging matapat (ay juice me, napapagogol ako), sa pagiging matamis (sweet HAHAHA), sa pagiging supportive, mapagkakatiwalaan at sa pagtiyaga sa ugali kong may sometimes. :D Nag-iisa ka lang na VIDAH MAY na nakilala ko sa milyong-milyong tao sa mundo. Chos! ;)
Maraming salamat din sa mga masasayang alaala na pinagsaluhan natin, sa mga adventure na nagawa nating magkasama simula nong collage - yung pag-akyat sa bahay nyo na dadaan sa bintana, yung paglalakwatsa pagkatapos ng klase, yung pagbuo ng clan, yung pagdidivisoria linggo-linggo, yung pagchi-chitchat araw-araw. Yung tawanan na parang wala nang bukas, yung kwentuhan na parang isang taong hindi nagkita. Salamat sa “peerless friendship” at sa walang kamatayang pagmamahal (undying love) at pagtitiwala. Salamat sa pakikinig sa mga drama ko sa buhay, salamat sa pag-iingat ng mga sekreto ko at salamat sa pag-stay.
At dahil kaarawan mo, ang panalangin ko ay walang hanggang paggabay sa’yo at sa pamilya mo ng Panginoon. Manalig at magtiwala ka lamang sa Kanya. Huwag mong hahayaang sirain ng mga problema mo ang pananalig mo sa Kanya. Maging matatag ka. Andito lang ako para sa’yo kung kailangan mo ako, isang chat mo lang darating ako. :D
Alam kong pinupursige mong makamit ang mga pangarap mo, so sana maraming tagumpay pa ang dumating sa buhay mo, masayang pamilya, good health at madaming yaman. At sana andiyan pa rin tayo para sa isa’t isa hanggang sa pagkulubot ng ating mga balat. :D
Yun lang. Babush na. Salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan/kaklase/kapitbahay/kapatid/nanay/ate/tita/lola. HEHEHE
HAPPY BIRTHDAY! Iloveyoutobits. ❥
#sevenyearsandstillcounting @vidahlucas